Letters of support and updates on College of Mass Communications Dean Rolando Tolentino's bid for UP Diliman Chancellorship

Friday, February 4, 2011

Letter of support from Prof. Mercedes Planta, Ph.D from the Department of History, College of Social Sciences and Philosophy, UP Diliman

4 February 2011


To the Board of Regents
University of the Philippines System

I am writing in support of Professor Rolando B. Tolentino as the next
Chancellor of the University of the Philippines Diliman.

I have had the pleasure of knowing Professor Tolentino for over a
decade now, beginning with the first year of my teaching career at the
UP Department of History in 1996.  Since then, I have known Professor
Tolentino in many capacities. He was a senior colleague and later, a
real friend who guided me to commit myself to the university before I
earned my tenure.

Professor Tolentino was a visiting fellow at the National University
of Singapore (NUS), where I did my Ph.D. in 2005-2006. While in NUS,
he was largely instrumental in bringing Filipino scholars together.
His presence served as a reminder for me and for many Filipino
scholars at NUS then, of how our endeavors are not only about personal
gains. Professor Tolentino believed that a deep and sincere love for
our country and our people should be part of the heart of all our
struggles. And now, more than ever, Professor Tolentino has
demonstrated these commitments, especially as Dean of  MassComm.

Professor Tolentino is an intelligent, capable, dedicated, and
personable scholar who is also focused and sensible. I am confident
that Professor Tolentino has the experience, thoughtfulness, drive,
dedication, and the moorings needed to be the next UP Diliman
Chancellor.

Thank you for your consideration.


Truly yours,

MA. MERCEDES G. PLANTA, Ph.D.
Associate Professor of History
Department of History
University of the Philippines
Diliman, 1101 Quezon City

Thursday, February 3, 2011

Letter of Support from UP Visayas, Miag-ao and Iloilo

To the Members of the Search Committee
for Chancellorship of U.P. Diliman

Diliman Campus, Quezon City

Dear Sirs/Madams:

                           The attached Statement  Supporting the Nomination for Chancellorship of Dr. Rolando B. Tolentino is now e-mailed by a number of academic constituents from U.P. Visayas, Miag-ao and Iloilo City Campuses.

                           We are sending this Statement because we have no doubt the qualities of Dr. Rolando B. Tolentino will fit the Office of U.P. Diliman Chancellor. Moreover, we are supporting his nomination because Dr. Tolentino had extended considerable help to our campuses as resource person in several public fora and in curricular revision initiatives. His helpfulness and recognition goes beyond Diliman campus, so to speak.

                            We thank you for your attention.

                            -- From signatories of various academic offices of U.P. Visayas, Miag-ao and Iloilo Campuses  







ISULONG ANG KANDIDATURA NI ROLAND TOLENTINO BILANG UP DILIMAN CHANCELLOR

Endorsement letter from the faculty of Ateneo de Manila 

Mahal na Lupon ng mga Rehente:

Naniniwala at nagkakaisa ang kaguruan ng Pamantasang Ateneo de Manila sa kandidatura ni Roland Tolentino bilang Chancellor ng UP Diliman. 

Mahalaga ang ambag ni Dr. Tolentino sa pagpapalawak ng pag-aaral sa kulturang popular, panitikan, pelikula, at teoriya kaya ang kanyang katanyagan ay hindi lamang humahangga sa Pamantasan ng Pilipinas, bagkus sa mga pamantasan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Malaking tulong ngayon sa UP mismo ang kanyang pagiging Chancellor, lalong-lalo na ngayong higit na nagiging agresibo ang UP sa paglahok sa pambansa at pandaigdigang usapin.   Isang pagpapatibay lamang ng pangunahing bisa ng pamantasan, ang pagiging nasa bungad nito ng pagsusuri ng bayan sa mga hamon at tanong, kung igagawad kay Dr. Tolentino ang papel na ito.

Bukod sa kanyang mga pag-aaral, matingkad na puwersa rin si Dr. Tolentino sa pagtaguyod ng mga pagbabago at reporma sa edukasyon.  Malinaw ang kanyang mga posisyon at pagtutol sa mga atrasadong kaisipan ng neoliberalismo at komersyalisasyon ng edukasyon, sa pagsulong ng mga pangunahing karapatang pantaong mag-aaral at kaguruan, at sa pagpapatibay ng tradisyon ng UP bilang sityo ng kritikal na pag-iisip at katarungang panlipunan.  Ang pagkakaloob ng ganitong papel kay Dr. Tolentino ay mangangahulugan lamang ng pagtatalaga sa UP sa malawak at mayamang kasaysayan nito sa abante at malayang pagsulong ng demokrasya.

Sa dakong huli, panahon na talaga upang maisakatuparan ng UP ang kanyang pangakong pagbabago ayon sa dakilang hangarin ng kalayaan.  Isulong ang kandidatura ni Roland Tolentino!

Gary Devilles
Francis Gealogo
Trina Tinio
Lulu Torres
Soledad Reyes
Benilda Santos
Jerry Respeto
Alvin Yapan
Edgar Samar
Jema Pamintuan
Christine Bellen
Allan Popa
Mike Coroza
Jayson Jacobo
Allan Derain
Jethro Tenorio
Aristotle Atienza
Carlota Francisco
Noel del Prado
Maria Ainyle Ephraimmee Orara
Kristine Romero
Claudette Ulit
Mitch Cerda 

Update on Online Petition!

Dear everyone,

The online petition now welcomes support from everyone, not just UP Alumni. So sign up now! Show your support for Roland Tolentino as the the next UPD Chancellor!

Tuesday, February 1, 2011

Calling all UP Alumni

Dear UP Alumni,

Aside from writing letters of support, you may sign this online petition to show your support for the RT for Chancellor campaign. Spread the word!

Rolando Tolentino: Chancellor na Maaasahang Katuwang sa “Muling Pag-aakda ng Magaling na UP sa ika -21 Siglo”

Former Faculty Regent Judy Taguiwalo's statement of support for Rolando Tolentino

Noong Lunes, Enero 31, dumalo ako sa Public Forum para marinig ang limang nominado para sa susunod na Chancellor ng UP Diliman.

Nabasa ko na ang mga vision paper at mga CV nina Drs. Azanza, Claudio, Guevara, Saloma at Tolentino na nakapost sa UP website. Matagal ko nang kilala si Dr. Claudio, Director ng University Center for Women’s Studies at kasamang propesor sa College of Social Work and Community Development. Si Dean Saloma ng College of Science ay isa sa mga hinahangaan kong siyentista at administrador ng UP batay sa karanasan ko sa University Council at sa UPD Executive Committee. Alam ko na si Dating Dean Guevara ay unang babaeng Dean ng College of Engineering at piyanista sa mga concerts ni Chancellor Cao at si Dr. Azanza nama’y kabilang sa 11 na nominado sa nakaraang pamimili ng Pangulo para sa UP.

Sa naturang public forum  para sa mga faculty, ang sagot ni Dr. Roland Tolentino, kasalukuyang Dean ng College of Mass Communication, sa dalawang tanong na sinagot ng lahat ng mga nominado ang may malaking resonance para sa akin.

Sa tanong sa kung sino sa mga faculty/colleagues ang may malaking impluwensiya o nagbigay inspirasyon sa kanila, maiksi ang naging sagot ni Dean Tolentino. Binanggit niya sina Isagani Cruz at Nicanor Tiongson bilang dalawa sa mahuhusay niyang mga guro. Pero binigyan ni Dean Tolentino ng partikular na pagtatangi   si Dr. Bien Lumbera dahil “tinuruan akong maging mabuting mamamayan.”

Malaman ang sagot na ito para sa nakakakilala kay Bien Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang buhay ni Dr. Lumbera ay buhay na nag-umpisa sa toreng garil ng akademya (Fullbright scholar, PhD Comparative Literature, Indiana University). Sa pagbalik sa Pilipinas, pumanig si Dr. Lumbera sa makabayang kilusan, nakulong sa panahon ng batas militar, pinatalsik ng Ateneo de Manila bilang propesor. Ang UP ang tumanggap kay Dr. Lumbera at sa matagal na panahon sa pamantasan ng bayan, nananatili si Dr. Lumbera na nakapanig sa mamamayan. Mahihinuha ito sa kanyang mga akda, sa kanyang pagtuturo, sa mga estudyanteng ginabayan niya sa kanilang masterado at doktorado at sa patuloy na pakikisangkot niya sa mga pagkilos sa pamantasan o sa lansangan man.

Ang sagot ni Dean Tolentino sa tanong ukol sa “napapansing pangingibabaw ng Science at Engineering sa Diliman dahil sa rekurso na inilaan para sa kanilang mga sentro at ang paggamit ng mga pamantayang pang-science (international publications, quantitative assessments) kaugnay ng promosyon ng kaguruan”: palatandaan daw ito ng atomisasyon o pagkawatak-watak ng Diliman kung saan nagkakanya kanya na ang mga yunit at disiplina para magpalitaw ng mga rekurso at hindi na nakikita ang kabuuan gayong napakahalaga ng pagtutulungan ng iba't ibang disiplina ng pamantasan.”

Para sa nakakaalam naman sa naging kalakaran nitong mga nakaraang anim na taon sa UP, alam ang pagtindi ng pagkanya-kanya ng mga kolehiyo. Maluwag ang mga kolehiyo na may mayayamang alumni at/o nagpataw ng matataas na tuition para sa graduate programs. Ang may alam lang sa aktwal na kalagayang pampinansya ng Unibersidad ay ang mga nasa Quezon Hall. Nabago ang 1994  land use planng UP Diliman na hindi man lang natalakay sa UPD Executive Committee.

Ang dalawang sagot ni Dean Tolentino ay indikasyon kung saan patutungo ang UP Diliman sa kanyang panunungkulan bilang chancellor: ang unibersidad na ang kahusayan at kagalingan ay nakakawing sa paglilingkod sa sambayanan at ang pamamalakad sa isang Unibersidad na may pagmamalasakit sa kabuuan, hindi lamang sa kanya-kanyang yunit at sa pagkakaroon ng transparency sa katayuang pinansiyal at mga desisyon  ng Diliman.

Hindi matatawaran ang academic credentials ni Dean Tolentino laluna sa larangan ng pagtuturo (hinirang na isa sa top 5 na guro sa Diliman nitong nakaraang taon batay sa nominasyon at boto mismo ng mga estudyante) at sa publikasyon (11 aklat na inakda o bilang co-editor mula 2000 kabilang na ang pagkapanalo sa Best Film Criticism Book noong 2001). Nahirang din siya bilang isa sa mga UP Artists. Internasyunal din ang pagkilala sa kanya. Naging Visiting Research Fellow ng Kyoto University, naging Distinguish Visitor ng UC Berkeley and UCLA Southeast Asian Studies Consortium at Visiting Fellow sa  National University of Singapore

Pero di nagpapakahon si Dr. Tolentino sa gawaing pang-akademiko. Kasabay ng produktibong pagtuturo at pagsusulat, matingkad ang pakikilahok niya sa usaping panlipunan—pagsasabuhay sa diwa ng paging public university ng UP.

Bilang kagawad o Tagapangulo ng  University Council Committee on National Policies and Programs, naging malaki ang kontribusyon ni Dean Tolentino sa pagbalangkas ng mga pahayag ng University Council tulad ng “ A Call for Greater State Subsidy” and  “GMA Must Go”. Bilang Dekano ng CMC, pinangunahan ni Dean Tolentino ang pagtindig ng kolehiyo sa mga karahasan laban sa mga mamahayag tulad nang nagyari sa Maguindanao Massacre. At hindi nagwawakas doon ang kanyang pakikisangkot, kasama siya ng mga peryodista sa Mendiola para hilingan nag hustisya sa mga biktima ng masaker at kabahagi sa mga pagkilos sa loob at labas ng UP para igiit ang mas mataas na budget para sa Unibersidad at sa iba pang mga state universities and colleges.

Hindi rin nangimi si Dean Tolentino na tumindig sa isyu ni Sarah Raymundo at iba pang mga untenured faculty na hindi trinato ayon sa mga nakatindig na mga patakaran sa paggawad ng tenure sa Unibersidad ng Pilipinas.

Hindi na ako bahagi ng Board of Regents na mamimili sa susunod na Chancellor ng UP Diliman. Pero katulad ng ginawa kong batayan sa pagboto kay Alfredo Pascual bilang Presidente ng UP, ang vision statement at track record ang mapagpasya para sa akin.

Kinakatawan ni Dr. Rolando Tolentino ang dangal at galing ng Unibersidad na naglilingkod sa sambayanan. Kinakatawan ni Dr. Roland Tolentino ang pagtindig para sa demokratikong pamamahala sa Unibersidad sa panahong binawale wala ito ng mga nakaupo sa Quezon Hall. Kinakatawan ni Dr. Roland Tolentino ang isang uri ng inobasyon na magpapanatili sa UP  bilang isang “public university” na naninindigan at may pananagutan sa serbisyong pampubliko.  

Karapat dapat siyang maging Chancellor ng UP Diliman na mahigpit na katuwang ng ika-20 Pangulo ng UP sa pagtahak sa bisyon ng”Muling Pag-aakda ng Magaling na UP sa ika 21 Siglo”!


Pagkilala at Pag-endoso ng Katha (Pangkat ng mga Kuwentista) kay Dr. Rolando B. Tolentino na mahirang na UP Diliman Chancellor

Mahal na Lupon ng mga Rehente:

Matagal naming nakasama sa grupong pampanitikang Katha si Dr. Rolando B. Tolentino. Noong 1989 ay isang pangkat ng mga kabataang kuwentista sa Filipino ang Katha na may layuning isulong ang kapakanang panlipunan sa tulong ng kanilang sining.  Ganito pa rin ang misyon at bisyon ng grupo habang umaangkop sa nagbabagong kondisyon ng lipunan. Natutuwa kami at mabibigyan ng pagkakataon ang aming kahenerasyon na makapaglingkod nang higit na tuwiran sa kaniyang lipunan at kababayan.

Kabilang si Dr. Tolentino sa tagapagtatag na kasapi at unang pangulo ng grupo. Sa kaniyang pamumuno, nakapag-ambag ang Katha sa pagpapayaman ng panitikan at kulturang Filipino. Higit na makikita ito sa siyam (9) na antolohiya ng maiikling kuwento na nalathala mula sa taon ng pagkakatatag ng grupo at hanggang sa kasalukuyan.

Sa kaniyang matalisik na bisyon sa sining na Filipino, nakasabayan at sa maraming pagkakataon ay nagabayan niya ang isang henerasyon ng mga manunulat. Marami sa mga ito ang nakapaglathala na rin ng kani-kanilang mga publikasyon at hindi maikakaila ang sensibilidad na naibahagi ni Dr. Tolentino sa estilo ng panulat at sa pananaw-sa-mundong taglay ng mga naratibo. Habang nag-eeksperimento sa anyo at sa paksa, makikilala sa mga kuwento ang sensitibong pagsasaalang-alang sa kondisyon ng tao sa isang opresibo at madalas walang katarungang ugnayan ng tao sa tao. Ngunit naroon naman lagi ang kritikal na pag-unawa sa posibleng opsiyon upang makamtan ang pag-asa kundi ang mismong katarungan.

Kabilang ang produksiyon ng kuwento at pampanitikang teksto ni Dr. Tolentino sa kaniyang mapang-unawa at mapagpalayang  bisyon para sa lipunang Filipino. At kung nasa kaniyang imahinasyon ito sa una, sa ngayon ay mabibigyan siya ng kongkretong daan sa pagsasakatuparan ng mabubuting hangad para sa higit na nakararami sa konteksto ngunit hindi limitado ng pang-akademyang kaligiran.

Suporta at pagsusulong sa napapanahong paghihirang kay Dr. Rolando B. Tolentino, kuwentista at makabayang kasapi ng Katha, bilang Chancellor ng UP Diliman!


Romulo P. Baquiran, Jr.
Luna Sicat-Cleto
Rommel B. Rodriguez
Joi Barrios
Mykel Andrada

2 Pebrero 2011