Rolando Tolentino
Mayroon tayong mga episyenteng administrador sa U.P. May mga akademiko tayong kinikilala sa loob at labas ng bansa. May mga kritiko tayo na nag-uusad ng maraming diskurso. May mga artist/ manunulat at iba pa na nagtataas ng kalidad ng sining ng sambayanan. May komunidad rin tayo ng mga taong mas pinipili ang kapakanan ng nakararami sa halip na pangsarili.
Ang hinahanap nati’y personipikasyon ng maraming katangiang ito. Sa madaling sabi, mahalaga ang papel ng isang bisyunaryo sa pagpapatakbo ng alin man institusyon. Mayroon din tayo nito, bisyunaryo, si Rolando Tolentino.
Tanging maisusugal ko’y integridad, itataya ko iyon. Sapagka’t nangangarap din ako ng makabuluhang pagbabago, kahit man lang sa lupang kinatatayuan ko. Gusto kong sabihin, minsan sa kasaysayan, minsan sa buhay, may nag-aalay ng kanyang kakayahan. Gusto kong sumabay sa kanyang mga hakbang. Gustong muling mamayani ang dangal.
Jun Cruz Reyes
Propesor
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literature
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
No comments:
Post a Comment