Letters of support and updates on College of Mass Communications Dean Rolando Tolentino's bid for UP Diliman Chancellorship

Monday, January 31, 2011

Pag-asa kay Dekano Roland Tolentino

Ako ay isang administratibong kawani ng UP. Malaki ang pag-asa ko sa susunod nitong pangulo, na magkakaroon ng pagbabago tungo sa mahusay, mabuti at makatarungang pamamahala. Ito rin ang hinihiling ko at marahil ng ilang daang kawani sa magiging Diliman Tsanselor. Tsanselor na titingin at mangangalaga sa kapakanan at kabutihan ng lahat ng sektor na nasa komunidad nito at hindi papairalin ang pansariling kapakanan at kapakinabangan. Tsanselor na may tunay na layuning isulong ang tunay na tindig, kahulugan at kabuluhan ng UP bilang "Pambansang Unibersidad, " nakikisangkot sa maliit at malaking isyu ng lipunan at tunay na naglilingkod sa bayan. Ito ang mga mabuting katangian at dakilang layuning matatagpuan kay Dekano Roland Tolentino. Mabuhay ka! Sa iyo, malaki ang pag-asa ko at ng mga tulad kong administratibong kawani na nagbibigay ng malaking kontribusyon at sakripisyo para sa Unibersidad tungo sa mahusay, epektibo at taus-pusong paglilingkod sa bayan.


Eva Garcia Cadiz

No comments:

Post a Comment