Letters of support and updates on College of Mass Communications Dean Rolando Tolentino's bid for UP Diliman Chancellorship

Thursday, February 3, 2011

ISULONG ANG KANDIDATURA NI ROLAND TOLENTINO BILANG UP DILIMAN CHANCELLOR

Endorsement letter from the faculty of Ateneo de Manila 

Mahal na Lupon ng mga Rehente:

Naniniwala at nagkakaisa ang kaguruan ng Pamantasang Ateneo de Manila sa kandidatura ni Roland Tolentino bilang Chancellor ng UP Diliman. 

Mahalaga ang ambag ni Dr. Tolentino sa pagpapalawak ng pag-aaral sa kulturang popular, panitikan, pelikula, at teoriya kaya ang kanyang katanyagan ay hindi lamang humahangga sa Pamantasan ng Pilipinas, bagkus sa mga pamantasan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Malaking tulong ngayon sa UP mismo ang kanyang pagiging Chancellor, lalong-lalo na ngayong higit na nagiging agresibo ang UP sa paglahok sa pambansa at pandaigdigang usapin.   Isang pagpapatibay lamang ng pangunahing bisa ng pamantasan, ang pagiging nasa bungad nito ng pagsusuri ng bayan sa mga hamon at tanong, kung igagawad kay Dr. Tolentino ang papel na ito.

Bukod sa kanyang mga pag-aaral, matingkad na puwersa rin si Dr. Tolentino sa pagtaguyod ng mga pagbabago at reporma sa edukasyon.  Malinaw ang kanyang mga posisyon at pagtutol sa mga atrasadong kaisipan ng neoliberalismo at komersyalisasyon ng edukasyon, sa pagsulong ng mga pangunahing karapatang pantaong mag-aaral at kaguruan, at sa pagpapatibay ng tradisyon ng UP bilang sityo ng kritikal na pag-iisip at katarungang panlipunan.  Ang pagkakaloob ng ganitong papel kay Dr. Tolentino ay mangangahulugan lamang ng pagtatalaga sa UP sa malawak at mayamang kasaysayan nito sa abante at malayang pagsulong ng demokrasya.

Sa dakong huli, panahon na talaga upang maisakatuparan ng UP ang kanyang pangakong pagbabago ayon sa dakilang hangarin ng kalayaan.  Isulong ang kandidatura ni Roland Tolentino!

Gary Devilles
Francis Gealogo
Trina Tinio
Lulu Torres
Soledad Reyes
Benilda Santos
Jerry Respeto
Alvin Yapan
Edgar Samar
Jema Pamintuan
Christine Bellen
Allan Popa
Mike Coroza
Jayson Jacobo
Allan Derain
Jethro Tenorio
Aristotle Atienza
Carlota Francisco
Noel del Prado
Maria Ainyle Ephraimmee Orara
Kristine Romero
Claudette Ulit
Mitch Cerda 

No comments:

Post a Comment